Mga residente sa Calapan City maagang pinaghahanda sa bagyong Rolly

ABS-CBN News

Posted at Oct 31 2020 02:25 PM

Watch also in iWantTFC

MAYNILA - Puspusan ang paghahanda ng awtoridad sa Calapan City sa Oriental Mindoro para sa pagdating ng inaasahang malakas na bagyong Rolly.

Naglilibot ngayong Sabado ang mga tauhan ng Public Safety Department sa iba’t-ibang coastal barangay sa Calapan City para paalalahanan ang mga residente na maghanda sa paglikas o habang maganda pa ang panahon ay lumikas na.

Hapon ng Sabado ay maaring iutos na ang preventive evacuation sa mga residente na nakatira sa mga coastal barangay.

Nagpulong na rin nitong Biyernes ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office para ilatag ang mga aksiyon sa pagtama ng bagyo.

- TeleRadyo, 31 Oktubre 2020