Magat Dam nagsimula nang magpakawala tubig

ABS-CBN News

Posted at Oct 31 2020 02:16 PM

Watch also in iWantTFC

Pinag-iingat ng weather bureau PAGASA ang mga residenteng nakatira sa mabababang lugar na dinadaluyan ng tubig mula sa Magat Dam sa Isabela.

Ito'y dahil nagsimula nang magpakawala ng tubig ang nasabing dam dahil sa dami nang naipong tubig doon kasunod ng mga pag-ulan nitong mga nakaraang araw.

Mataas na ang lebel ng reservoir at posibleng maapektuhan ang mga nakatira sa mga bahain na lugar sa Ifugao at Isabela.

- Headline Pilipinas 31 Oktubre 2020