Ilang lugar sa Metro Manila, makakaranas ng water interruption

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Oct 29 2020 06:32 AM

Watch also in iWantTFC

MAYNILA - Magkakaroon ng water interruption sa ilang lugar sa Pasig, Taguig at Makati nitong Huwebes upang magbigay daan sa maintenance activities na gagawin ng Manila Water.

Ayon sa advisory ng Manila Water, magsasagawa sila ng pipe maintenance at PRV installation sa AV Cruz Cor. Elisco Road, PAE at Bagong Tanyag Street sa Taguig.

Dahil diyan ay maapektuhan ang water supply sa ilang mga lugar sa mga barangay ng Ibayo-Tipas, Central Bicutan at Tanyag alas 10 ng gabi ng Huwebes hanggang alas 4 ng madaling araw ng Biyernes:

Sa Pasig, asahan na rin umano ang kawalan o paghina ng supply ng tubig sa ilang lugar sa Barangay Kalawaan kung saan magsasagawa ng line meter replacement ang Manila Water mula alas 10 ng gabi ng Huwebes hanggang alas 4 ng madaling araw ng Biyernes.

Magkakaroon din ng water interruption sa Brgy. Pembo sa Makati mamayang alas 11 ng gabi ng Huwebes hanggang alas 3 ng madaling araw ng Biyernes.

Sa mga papasok sa trabaho ng umaga ng Biyernes, mag-imbak na ng tubig bago ang scheduled water interruption ng Huwebes ng gabi, upang maiwasan ang anumang abala.

Sa mga may katanungan maari kayong tumawag sa kanilang hotline number 1627.

Watch more in iWantv or TFC.tv
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.