19 anyos na lalaki nalunod sa ilog sa Cavite

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at Oct 29 2020 06:50 AM

Watch also in iWantTFC

MAYNILA - Wala nang buhay nang matagpuan ang isang 19-anyos na lalaki sa ilog sa Brgy. San Francisco sa General Trias City, Cavite.

Nakatanggap ng tawag ang Philippine Coast Guard sa Cavite na may nalunod sa ilog bandang tanghali nitong Miyerkoles.

Agad silang nagsagawa ng search and rescue operation kasama ang General Trias CDRRMO para mahanap ang biktima.

Ayon kay Lt. Michael John Encina, commander ng PCG Cavite, dahil hindi malinaw ang tubig sa ilog, nahirapang makita agad ang biktima.
Inabot ng 40 minuto bago mahanap ang biktima na lumulutang na sa ilog sa Sitio Elang.

Kinilala siyang si Niel Conrad Larosa na residente rin sa lugar.

Sinubukan pa siyang itakbo sa ospital pero idineklara ring dead on arrival.

Iniimbestigahan pa ang dahilan ng pagkalunod ng biktima.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.