Pila ng mga sasakyang magpapakabit ng RFID sa Balintawak, mahaba na

ABS-CBN News

Posted at Oct 28 2020 09:04 AM

Watch also in iWantTFC

MAYNILA - Mahaba na ang pila ng mga sasakyang magpapakabit ng RFID para sa mandatory cashless transaction sa Balintawak toll plaza at halos wala nang galawan ang mga sasakyan.

Kailangan ito ng lahat ng mga sasakyang dadaan sa mga expressway sa Luzon area.

Ito ay sa kabila ng anunsiyo ng Department of Transportation na iniusog nito ang deadline sa pagpapatupad nito sa Disyembre 1.

Ayon sa DoTr, ito na ang pinakasagad na deadline na maibibigay nila para sa mga motorista na wala pa ring autosweep at EasyTrip RFID stickers.

Simula Disyembre hindi na tatanggap ng cash payments ang mga tollways pero magtatalaga pa rin slla ng RFID installation lanes katulad ng sa NLEX Balintawak kahit tapos na ang deadline.

Bukas ng 24 oras ang RFID installation lane sa NLEX Balintawak para sa Class 1 vehicles.

Mahaba na ang pila ng mga sasakyang magpapakabit ng RFID sa Balintawak toll plaza at halos wala nang galawan ang mga sasakyan

Nakadagdag sa masikip na lagay ng kalsada sa Balintawak ang Skyway construction na okupado ang dalawang lane ng expressway.

- TeleRadyo 28 Oktubre 2020