TINGNAN: 'Pekeng' facelift machine, nakumpiska sa Pampanga

ABS-CBN News

Posted at Oct 02 2018 11:12 AM

Watch also in iWantTFC

MAYNILA - Kinumpiska ng National Bureau of Investigation (NBI) ang umano'y pekeng makina na ginagamit sa facelift procedure at ilang kagamitan ng isang dermatology clinic sa Angeles City, Pampanga.

Nakatanggap ng reklamo ang NBI Intellectual Property Rights Division mula sa official distributor ng makina sa bansa na may isang clinic sa Angeles City ang gumagamit ng pekeng makina.

Napag-alamang aabot ng higit sa P100,000 ang halaga ng treatment gamit ang naturang makina mula sa lisensiyadong aesthetics clinic.

Pero sa clinic sa Angeles City, P9,000 lang ito ino-offer sa mga customer.

Nakumpiska ang mismong makina, isang flashdrive, isang handpiece at limang transducers na ginagamit sa facelift procedure.

Tumangging magbigay ng pahayag ang dalawang attendant na nadatnan ng NBI.

Nahaharap ang may ari ng clinic sa kasong trademark infringement.

-- DZMM 1 October 2018