U-turn slot sa EDSA-North Ave isinara

ABS-CBN News

Posted at Sep 28 2020 08:03 AM

Watch also in iWantTFC

Isinara ng Metropolitan Manila Development Authority mula ngayong Lunes ang U-turn slots sa EDSA-North Avenue upang bigyang daan ang lanes na ekslusibo para sa mga bus. 

Layon ng ahensya na maisara ang 13 U-turn slots sa buong EDSA bago mag-Pasko. 

Kailangan ng nasa 36,000 concrete barriers para sa proyekto. Nasa 12,000 barriers ang naideliver na sa ahensya at unti-unti ilalatag, ani MMDA EDSA chief Bong Nebrija. 

Panoorin dito ang kaniyang buong panayam. 
    
TeleRadyo, Setyembre 28, 2020 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.