DOH: Batang nagka-polio, hindi nabakunahan

ABS-CBN News

Posted at Sep 20 2019 01:33 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Kinumpirma ngayon ng Department of Health na may epidemya na ng polio sa bansa. Bumalik ang polio sa bansa matapos ang halos 2 dekadang pagiging polio-free ng Pilipinas. Isang batang babae mula Lanao del Sur ang kumpirmadong may polio. Kaya paiigtingin ngayon ng DOH ang "synchronized oral polio vaccination" sa mga bata. I-Bandila mo, Willard Cheng.—Bandila, Huwebes, 19 Setyembre, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.