PhilHealth wala pa raw natatanggap na suspension order mula sa Ombudsman

ABS-CBN News

Posted at Aug 19 2020 09:11 PM

Watch also in iWantTFC

Kumalat ang ulat nitong Miyerkoles ukol sa umano'y suspension order ng Ombudsman laban sa ilang opisyal ng PhilHealth na dawit daw sa katiwalian. Gayunman, wala pang opisyal na pahayag dito ang Ombudsman. Wala pa ring nakukuhang kopya ng umano'y suspension order ang PhilHealth. Hindi rin umano alam ng mga sinuspindeng opisyal ang mga reklamo laban sa kanila. Nagpa-Patrol, RG Cruz. TV Patrol, Miyerkoles, 19 Agosto 2020 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.