Medical expert mas inirekomenda 14-day test kaysa rapid test

ABS-CBN News

Posted at Aug 05 2020 06:12 PM

Watch also in iWantTFC

MAYNILA - Mas inirerekomenda ng Philippine College of Physicians ang 14-day test kaysa gumamit ng rapid antibody test.

Paliwanag ni Dr. Maricar Limpin, vice president ng PCP, sa 14-day test, tinatanong lamang kung may simtomas ang isang tao sa nakaraang dalawang linggo.

“Mas mataas ang sensitivity nito compared sa rapid antibody test. Wala pang bayad,” sabi ni Limpin sa panayam sa ABS-CBN TeleRadyo Miyerkoles ng umaga.

Ayon kay Limpin, itatanong din dito kung may exposure sa taong nagkaroon ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Muling sinabi ni Limpin na hindi nila inierekomenda ang rapid antibody test dahil 50 porsiyento lang na accurate ang resulta nito at hindi puwedeng gamitin pang-diagnose sa COVID-19.

- ABS-CBN TeleRadyo 5 August 2020