4 na lumabag sa back-riding rule huli sa QC

ABS-CBN News

Posted at Jul 14 2020 10:20 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Hinuli ang 4 magka-angkas sa motorsiklo ng mga awtoridad sa kahabaan ng Quezon Avenue at Commonwealth Avenue sa Quezon City nitong Martes sa paglabag sa ‘motorcycle backriding rule.’

Ayon kay Philippine National Police Highway Patrol Group National Capital Region chief Wilson Doromal, ang ilan sa mga nahuli ay magbayaw, magkapatid o magkapitbahay.

Tanging mga mag-asawa o live-in partners lamang ang pinapayagan ng mga awtoridad na mag-angkas at kinakailangang may harang sa pagitan ng dalawang nakasakay sa motorsiklo.

Sa ngayon, tinatanggap ng mga awtoridad ang dalawang disenyo ng harang, ang nakakabit sa sasakyan at nakakabit sa rider na parang backpack.

— Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.