Bahagi ng imahen ng Sto. Niño, natagpuan sa nasunog na simbahan

ABS-CBN News

Posted at Jul 13 2020 09:10 AM | Updated as of Jul 13 2020 09:11 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Nakita na ang ilang parte ng 400-taon na imahen ng Sto Niño de Pandacan sa nasunog na simbahan at kumbento. Pero wala na ang mismong katawan ng imahen, kundi mga ibang bahagi gaya ng damit na lang ang nakita. 

Ayon sa kuru paroko ng Sto Niño de Pandacan Parish sa Maynila na si Fr. Sanny de Claro, nakita nila ang isa sa 3 tres potencias o sinag ng patron. Tunaw na ang kalahati nito. 

Ilang paghuhukay pa aniya, ay nakita ang Globo at krus na hawak ng imahen. 

Natagpuan rin ang andador o ang suporta sa katawan ng imahen at pati na rin ang bahagi ng sunog na damit ng Sto Niño. 

Nalulungkot lang si Father na hindi na nakita ang mismong katawan ng imahen na gawa sa kahoy at Ivory naman ang ulo. 

Nasunog ang simbahan at kumbento ng Sto Niño de Pandacan Parish noong Biyernes. Umabot ang sunog ng ikatlong alarma bago naapula at sunog ang kumbento at halos lahat ng gamit sa loob ng simbahan. Inaalam pa ang sanhi ng sunog. 


ABS-CBN TeleRadyo, July 13, 2020