OFW na COVID-19 patient sa Saudi Arabia, humihingi ng tulong

ABS-CBN News

Posted at Jul 02 2020 03:30 PM | Updated as of Jul 02 2020 04:02 PM

Watch also in iWantTFC

Humihingi ng tulong ang isang coronavirus disease 2019 (COVID-19) patient na overseas Filipino worker sa Riyadh, Saudi Arabia habang ito ay nagpapagaling pa ngayong Huwebes.

Sa panayam sa ABS-CBN Teleradyo, sinabi ni Baltazar Cantiller na kinakailangan niya ng tulong pinansiyal.

"Literally, I am a [COVID-19] patient right now … Kahit isang kusing wala ako, kahit isang kusing, wala," sinabi ni Cantiller sa ABS-CBN News.

Nitong unang linggo ng Hunyo, nagpositibo si Cantiller sa naturang sakit sa Bahay Kalinga ng Philippine Overseas Labor Office ng Philippine Embassy. 

Sa ngayon, nagpapagaling pa rin si Cantiller at handa ring mag-donate ng antibodies sa ospital.

“I was able to sign a document na kung sakali na I am ready to donate antibodies," ani Cantiller.

Si Cantiller ay dating telephone at computer operator na nakulong sa bintang ng pagnanakaw noong May 2018 ng kanyang Egyptian supervisor sa pinagtatrabahuan na telecom company at nakulong nang 43 araw.

Nitong Nobyembre 13, pinawalang sala at pinalaya na siya ng Saudi high court. 

Matapos ang isang linggo, tumuloy siya sa nasabing Bahay Kalinga sa lugar.