'Walang drayber na dapat mamalimos': 6 tsuper na inaresto sa protesta, tutulungang makalaya - kongresista

ABS-CBN News

Posted at Jun 04 2020 10:57 AM | Updated as of Jun 04 2020 11:16 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Sinabi ng isang party-list ngayong Huwebes na tinutulungan nitong makapagpiyansa ang 6 na jeepney driver na inaresto matapos mamalimos at magprotesta upang payagang muling makapasada sa pagluluwag ng coronavirus lockdown. 

"Sa kasalukuyan, aming kinukuha ang iba pang facts ng kaso upang agarang maproseso ang pagbayad ng piyansa upang sila ay kaagad na mapalaya," ani Dumper party-list Rep. Claudine Diana Bautista. 

"Ang aming mga abogado ay nakikipag-coordinate na sa mga kinauukulan tungkol dito. Ang aming prioridad ay mapalaya kaagad ang mga driver," dagdag niya. 

Hinikayat din ng mambabatas ang mga lokal na pamahalaan na ipagpatuloy ang ayuda sa mga jeepney driver na bawal pa ring magbiyahe sa pinaluwag na lockdown o general community quarantine sa Metro Manila at iba pang urban center. 

"Ang paniniwala namin ay hindi nagbabago — na wala dapat driver at miyembro ng transport sector ang kinakailangang manlimos para mabuhay," ani Bautista. 

Para sa iba pang detalye ukol sa protesta at pag-aresto sa 6 na driver, nasahin ang istoryang ito: 6 nagprotestang jeepney driver ikukulong 'hanggang makapagpiyansa' - pulisya.


TeleRadyo, Hunyo 24, 2020 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.