Hard lockdown sa barangay sa Maynila, inalis na

ABS-CBN News

Posted at Jun 03 2020 07:47 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Inalis na sa hard lockdown ang Barangay 847 sa Pandacan, Maynila ngayong Miyerkoles.

Nagsagawa ng rapid testing ang lokal na pamahalaan sa gitna ng dalawang araw na hard lockdown para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lugar, ayon kay Mayor Isko Moreno.

Ayon naman kay barangay chairman Ruben Flores, Jr., hindi pa rin natatapos ang kanilang laban sa COVID-19 at patuloy pa rin dapat mag-ingat ang mga residente.

Sa ngayon ay lumalabas na ang ilang mga residente sa kani-kaniyang bahay para mamalengke at pumunta sa trabaho.

--May ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.