Barangay hall sa Pasig ipinasara, opisyal positibo sa COVID-19

ABS-CBN News

Posted at Jun 03 2020 07:42 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Pansamantalang isasara ang barangay hall ng Barangay Sto. Tomas, Pasig matapos magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isa sa mga opisyal nito, ayon kay Mayor Vico Sotto nitong Martes.

Ayon sa Facebook post ng alkalde, isasailalim sa polymerase chain reaction testing ang mga "close contacts" o nakasalamuha ng pasyente.

 

Isasailalim na rin sa quarantine ang iba pang mga empleyado ng naturang barangay hall.

Sa tala ng siyudad nitong Martes, may 625 kumpirmadong kaso sa lugar kung saan 253 na ang nakarekover at 73 ang namatay.

--May ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.