Pritil Market dinagsa ng mamimili matapos ang 'hard lockdown'

ABS-CBN News

Posted at May 05 2020 09:08 AM

Watch also in iWantTFC

Mahaba na ang pila sa Pritil Market sa Tondo, Maynila ngayong Martes ng umaga matapos ang hard lockdown sa naturang lugar.

Dahil sa pagsarado ng palengke nitong hard lockdown, agad na bumili ngayong araw ang mga residente at nakapila.

May nag-aanunsiyo rin ukol sa physical distancing at nakasuot naman ng face mask ang mga tao sa pila.

Hindi makakapasok sa palengke ang mga mamimili kung walang quarantine pass at ID at kailangan din magpa-temperature check.

Masaya naman ang karamihan na maaari na silang bumili ng pagkain.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.