281 lumabas sa bahay sa gitna ng hard lockdown sa Tondo, inaresto

ABS-CBN News

Posted at May 05 2020 08:25 AM

Watch also in iWantTFC

Inaresto ang 281 na lumabas sa bahay sa gitna ng hard lockdown sa Tondo District 1, Maynila nitong Lunes.

Kahit tapos na ang hard lockdown, tuloy pa rin ang curfew at pagbabantay ng mga taga-barangay laban sa pagkalat ng COVID-19 sa kanilang lugar.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Maynila, mahigit 100 na taga-Tondo pa rin ang naitalang positibo sa ginawang rapid testing kasabay ng hard lockdown.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.