Mga manggagawa naka-mask at layo-layong nagprotesta sa Tondo

ABS-CBN News

Posted at May 01 2020 11:48 AM | Updated as of May 01 2020 11:54 AM

Watch also in iWantTFC

Naka-mask at magkakalayong nagprotesta ang ilang miyembro ng grupong Bukluran ng Manggagawang Pilipino na nagprotesta ngayong Labor Day sa Tondo, Maynila, sa kabila ng umiiral na lockdown para pigilin ang pagkalat ng COVID-19. 

Kinalampag ng grupo ang kanilang mga dalang kaldero sa San Juan Luna Street para manawagan sa gobyerno na tiyakin ang hazard pay at proteksyon ng mga COVID-19 frontliner, kabilang ang mga health worker, pulis, sundalo at iba pang mga manggawa. 

Inihirit din ng grupo ang bayad para sa mga manggagawa sa gitna ng lockdown at COVID-19 testing bago sila pabalikin sa trabaho. 

DZMM, Mayo 1, 2020