10 manggagawa nag-Labor Day rally sa Rizal, inaresto

ABS-CBN News

Posted at May 01 2020 11:27 AM

Watch also in iWantTFC

Dinampot ng mga awtoridad ang 10 manggagawang nagprotesta ngayong Labor Day at sumuway umano sa lockdown kontra sa COVID-19 sa Rodriguez, Rizal.

Hindi umano nakatanggap ng cash aid sa pamahalaan ang mga nagprotesta sa Barangay San Isidro na karamihan ay mga tricycle driver, ayon sa Bukluran ng Manggagawang Pilipino.

Inaresto anila ang grupo kahit magkakalayo at naka-face mask sila.

DZMM, Mayo 1, 2020