Pagsasara ng kalsada dahil sa palaro, bawal na - DILG

ABS-CBN News

Posted at Feb 21 2020 08:07 AM

Watch also in iWantTFC

Nagsimula na ang 75-day clearing operation na iniutos ng Department of the Interior and Local Government sa mga local government unit para lumuwag ang mga kalsada.

Ilan sa mga ipinagbabawal dahil sa road obstruction ay ang mga barangay outpost at barangay hall na nasa sidewalk, pagsasara ng mga kalsada dahil sa mga palaro, pagpapatuyo ng palay sa kalsada, pagtambak ng construction materials at basura, burol sa kalye, one side parking, night time parking, at iba pang aktibidad maliban na lang kung may ordinansa ukol dito ang lokal na pamahalaan.

Kasama rin sa isinasagawang operasyon ang pagbabawal sa mga tricycle at pedicab na bumiyahe sa mga national highway at mga major road. Kailangan ng bawat LGU na gumawa na ng tricycle route plan.

Paalala din ng DILG sa mga mayor at barangay chairman na kapag natapos ang itinalagang araw ng operasyon at may mga obstruction pa rin ay posible silang masuspinde at agad pang makasuhan.

Hinihikayat ng DILG ang mga residente na gamitin ang kanilang mga cellphone camera at social media para isumbong ang mga kapitan ng barangay na walang ginagawa para lumuwag ang kalsada. 

—Umagang Kay Ganda, Biyernes, 21 Pebrero, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.