Window hours para sa Taal evacuees ipinatitigil

ABS-CBN News

Posted at Jan 20 2020 07:42 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Wala na talagang papapasukin sa San Nicolas at iba pang bayan sa Batangas na nasa danger zone na isinailalim sa lockdown. Umaalma ang mga residente dahil pinatitigil na rin ng Department of the Interior and Local Government ang pagbibigay ng mga alkalde ng window hours para makabalik sila sa kanilang mga bahay. Hindi anila ganoon kadaling iwan nang ganoon na lamang ang kanilang mga ipinundar na ari-arian at kabuhayan. Nagpa-Patrol, Dennis Datu. TV Patrol, Lunes, 20 Enero 2020

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.