KILALANIN: Senior citizen, tuloy pa rin ang serbisyo bilang nurse

ABS-CBN News

Posted at Apr 01 2020 06:38 PM | Updated as of Apr 01 2020 06:57 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Mapanganib man ang novel coronavirus partikular sa mga nakatatanda, tuloy pa rin sa pagsisilbi bilang nurse si Alita Gonzales.

Nag-viral si Nanay Alita matapos siyang ipagmalaki sa Facebook ng kanyang anak na si Maricon. 

"Ako po ay isang nurse, 'yun po ang career na pinili ko. So calling ko po ito, I have to serve the people," aniya. "Ito po ang sinumpaan kong trabaho."

Pag-amin ni Nanay Alita, nararamdaman din niya ang takot na maging "carrier" ng virus sa kanyang dalawang anak, kaya naman todo ang kanyang pag-iingat sa kanyang trabaho.

Si Maricon naman, nangakong hindi nila iiwan ng kanyang kapatid ang kanilang ina kahit mayroon na silang kanya-kanyang pamilya. 

"Simula nang nagkaisip kami, nakita namin kung gaano siya kabuting tao, hindi lang sa aming mga anak niya kung 'di sa mga taong hindi niya kilala," aniya.

"Ma, hindi ka namin iiwan. Hanggang sa huling araw mo dito, kasama mo kami. We love you so much."

Magandang Buhay, Abril 1, 2020

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.