Presyo ng karneng baboy tumaas sa ilang palengke dahil sa ASF

ABS-CBN News

Posted at Sep 28 2020 08:57 PM

Watch also in iWantTFC

Tumaas na ang presyo ng karneng baboy sa ilang palengke bunsod ng kakulangan daw ng suplay matapos tamaan ng African swine fever ang mga alagang baboy sa ilang probinsiya. Sa price monitoring ng Department of Agriculture ngayong Lunes, naitala ang pagtaas ng mga presyo sa Muñoz at Commonwealth market sa Quezon City, Quinta market sa Maynila, at gayundin sa Pasay City public market. Nagpa-Patrol, Angel Movido. TV Patrol, Lunes, 28 Seytembre 2020

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.