My Puhunan: Produktong gawang lokal, gawang millennial

ABS-CBN News

Posted at Aug 22 2018 01:00 AM | Updated as of Sep 18 2019 04:36 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Maraming millennials ang pumapasok sa mundo ng pagnenegosyo, mula sa pagkain at kakaibang accessories. 

Dahil dito, naisipan ng Department of Trade and Industry na gawin itong konsepto para sa kauna-unahang Go Lokal souvenir outlet collection.

Ang Go Lokal ay isang proyekto ng DTI na naglalayong maiabot sa mainstream market ang iba't ibang produkto na gawa ng mga micro, small, and medium enterprises o MSMEs. 

Ayon kay DTI Secretary Mon Lopez, ang Go Lokal souvenir outlet collection sa Kiss and Fly Terminal 3 ay magpapakita ng mga kakaibang produkto mula sa iba't ibang parte ng bansa.

Isa sa mga napili ng DTI ang 'Common Room.' Tampok dito ang caps, scarves, at pouches pati na rin mga unan at iba pang accessories na patok sa mga biyahero at turista. 
 
Traveler's items na gawa sa leather naman ang makikita sa 'Handcrafted by Harl's.' Iba't ibang klase ng bags ang makikita sa kanilang puwesto. At ang mas nakakabilib ay gawa ito ng mga persons with disabilities. 

Bumabata man ang edad ng mga nagnenegosyo, tumataas naman ang kalidad at konsepto ng kanilang produkto. 

Sundan ang My Puhunan: 
Website: news.abs-cbn.com/MyPuhunan 
Facebook at Twitter: @MyPuhunan
Instagram: @mypuhunantv

Panoorin ang My Puhunan online:
www.IWANTV.com.ph (within PH)
www.TFC.tv (outside PH)
www.youtube.com/abscbnnews (episode highlights)

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.