PBA: May mensahe si Helterbrand sa paggamit ni Caguioa ng No. 13 jersey

ABS-CBN News

Posted at Dec 27 2017 06:09 AM

Naging sentro si Mark Caguioa ng usapan kamakailan matapos niyang isuot ang No. 13 jersey ng kanyang matalik na kaibigan at kareretiro lamang na kakampi sa Barangay Ginebra na si Jayjay Helterbrand.

Ayon kay Caguioa, paraan niya ito para magbigay-pugay sa matagal nilang samahan. Balak ni Caguioa na gamitin ang numero sa kabuuan ng PBA Philippine Cup.

Ipinarating ni Caguioa, na maskilalang nagsusuot ng No. 47, kay Helterbrand ang kanyang balak, at ayon sa panayam ng Spin.ph natuwa ang huli.

"He told me about it and I was shocked," ani Helterbrand. "I thought it was a class act on his part."

(For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.)

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.