PBA: Pagre-relax dahilan ng 34-point loss ng Ginebra, ayon kay Tenorio

ABS-CBN News

Posted at Dec 15 2019 01:37 AM

Alam ng Barangay Ginebra na may kakayahang mang-upset ang NorthPort sa 2019 PBA Governors' Cup semifinals.

Nanaig ang Batang Pier 124-90 nitong Sabado para makuha ang best-of-5 series opener.

Ayon kay LA Tenorio, di nila inasahang tatambakan sila ng 34 points.

“We didn't expect na they would come out with that kind of fire. Parang relaxed kami masyado,” kuwento ni Tenorio sa artikulong pinost sa ABS-CBN Sports.

“Di namin in-expect na they will come really hard at us. We started flat and then from there, we gave them confidence na andu’n naman talaga sa kanila.”

Ayon kay Tenorio, kailangan nilang gumising kung gustong itabla ng Ginebra ang serye sa Lunes sa Araneta Coliseum. 

Dagdag pa niya, mukhang mas mabuting isalang na nila sa starting lineup ang mga Gin Kings na sumali sa Gilas Pilipinas noong Southeast Asian Games.

“Ayun ’yung kailangan naming gawin for the next game. We should be the one to start the fire sa team namin para mabuhat o madala ’yung buong team,” ani Tenorio.

For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.