ALAMIN: Kasaysayan ng SEA Games

ABS-CBN News

Posted at Nov 30 2019 07:22 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA—Umarangkada sa Philipine Arena ngayong Sabado ang ika-30 Southeast Asian (SEA) Games. 

Pero alam niyo ba kung kailan nagsimula ang larong nilalahokan ng mga atleta mula sa rehiyong Timog-Silangang Asya?

Anim na dekada na o 1959 nang unang umarangkada ang noo'y tinatawag pang Southeast Asian Peninsular Games o SEAP.

Mula noon, pang-4 na beses na magho-host ng Pilipinas mula nang sumali ang bansa noong 1977 sa SEAP.

Una naging host country ang Pilipinas noong 1981, sumunod ay 1991 at 2005 at ngayong 2019.

'BONGGANG OPENING' 

Ibibida ngayong SEA Games ang bonggang opening at sa kauna-unahang pagkakataon ay gagawin ito indoor sa Philippine Arena.

Gagawin naman ang main events sa ipinagmamalaking "world class" New Clark City Stadium.

Sa huling SEA Games noong 2017, nanguna ang Malaysia sa pinakamaraming medal tally.

Sumunod ang Thailand at Vietnam. Samantala, pang-anim na puwesto ang Pilipinas sa 24 gold medals.

Kaya determinado ngayon ang mga atletang Pinoy na makaungos at makakuha ng gintong medalya at lumaban para sa bayan.

Para sa iba pang balitang pampalakasan, bisitahin ang ABS-CBN Sports website.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
2019 SEA Games