Pagsalang ni gymnast Carlos Yulo sa SEA Games inaabangan na

ABS-CBN News

Posted at Nov 28 2019 06:41 PM | Updated as of Nov 28 2019 08:36 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Nagsidatingan na sa bansa ang mga gymnast na lalahok sa 30th Southeast Asian Games (SEA Games) at isa sa mga pinakaaabangan ay ang world champion na si Carlos Edriel "Caloy" Yulo.

Sasabak si Yulo sa 7 events sa SEA Games, na paboritong manalo lalo na sa floor exercise kung saan siya ang world champion.
    
Magsisimula ang gymnastics competition sa Disyembre 1. Sa unang araw ay all events ang labanan kaya't makikita na ang galing ni Yulo sa lahat ng apparatus.

Naka-set-up na rin sa bagong restored na Rizal Memorial Stadium ang podium at apparatus na gagamitin para sa SEA Games competition.

Isa rin sa inaasahang makakakuha ng malaking audience ay ang mga ice events na gaganapin sa isang mall.

Nag-eensayo na sa venue ang Philippine team para sa speed skating. Galing abroad ang mga Pinoy pero dumating na sa bansa para masanay sa venue bago ang event.
    
Anim na gold ang paglalabanan sa speed skating simula Disyembre 3.

Isang gold naman ang dedepensahan ng Philippine ice hockey team na nagkampeon sa huling SEA Games sa Malaysia.
    
—Ulat ni Dyan Castillejo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
2019 SEA Games