PBA: Ex-Gilas Maliksi, Raymar Jose Meralco na matapos i-trade ng Blackwater

ABS-CBN News

Posted at Oct 25 2019 05:52 PM

Nag-desisyon ang management ng Blackwater na lumahok muli sa isang trade, ngayon naman dalawang dating Gilas Pilipinas player ang kanilang pinakawalan.

Tutungo na sa Meralco si sharpshooter Allein Maliksi at big man Raymar Jose, matapos aprubahan ng PBA ang kanilang paglipat.

Kapalit nito, tatanggapin naman ng Blackwater sina point-guard Mike Tolomia, veteran big man KG Canaleta, at dalawa pang second-round pick.

Nitong nakaraang linggo lang, pinadala ng Blackwater si Mike Digregorio sa TNT para kay Brian Heruela.

Kasalukuyang nasa second to last place ang Blackwater sa 2019 Governors' Cup na may 2-5 na kartada, samantalang 4-2 naman ang record ng Meralco, isa sa mga maiinit na team ngayong conference. 

Para sa iba pang balitang pampalakasan, bisitahin ang ABS-CBN Sports website

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.