PBA: Standhardinger gustong patunayang mali ang SMB sa pag-trade sa kaniya

ABS-CBN News

Posted at Oct 24 2019 06:09 AM

Giit ni Standhardinger na di niya pinepersonal ang trade, maski ang limitadong playing time niya sa Beermen. PBA Media Bureau

Itinuturing na isang hamon ni NorthPort center Christian Standhardinger ang pagkaka-trade sa kaniya mula sa San Miguel Beer sa 2019 PBA Governors' Cup.

Nagtala ng 18 points si Standhardinger sa unang laro niya para sa Batang Pier, isang 127-119 panalo kontra sa dating koponan ng Fil-German big man nitong Miyerkoles.

May basket din si Standhardinger — habang si June Mar Fajardo ang kaniyang bantay — isang minuto ang natitira sa laro nila sa Cuneta Astrodome na nakatulong sa pag-angat ng NorthPort.

Sa post-game interview, bakas sa tono ni Standhardinger ang determinasiyong patunayang nagkamali ang San Miguel sa paggamit sa bull-strong na sentro.

“When I played in San Miguel, I played — what is it? — 16 minutes a game? I say that very respectfully but I have to prove something to the coaching staff, wherever I play, I have to prove to them that I think they made a mistake,” paliwanag ni Standhardinger.

“Maybe they didn’t make a mistake and they played me the right way, right? Because we won two championships, and that’s OK. But me as a player . . . I gotta be the player that I can be and I play my heart out to prove to the coaching staff, to prove to coach Leo (Austria) that he could have played me more and I could have helped more.”

Giit ni Standhardinger na di niya pinepersonal ang trade, maski ang limitadong playing time niya sa Beermen.

“That’s how it is, it’s nothing personal. Professionally, coach Leo thought that I’m not as good as . . . That I’m not that good, that’s why he played me the minutes he played me and I think that I’m good,” ayon sa No. 1 overall pick ng 2017 PBA Draft.

Sa ilalim naman ni NorthPort head coach Pido Jarencio, masaya si Standhardinger sa tiwalang agad na ibinigay sa kaniya.

Para sa big man, wala siyang ginagarantiyang kampeonato o kung ilang panalo ang maibibigay niya sa Batang Pier.

Ang tanging pangako ni Standhardinger?

“If you’re my coach and you trust me, I don’t promise you that I’m going to win you all the games. I can’t promise you that I’m going to be the best player. But I promise you I’ll work my butt off and I’ll run through walls for you,” aniya.

Para sa iba pang balitang pampalakasan, bisitahin ang ABS-CBN Sports website

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.