PANOORIN: Pacquiao nagbigay-pugay sa yumaong alagang aso

ABS-CBN News

Posted at Jul 07 2020 07:33 PM

 

Nagbigay-pugay si Manny Pacquiao sa kanyang alagang aso na si Pacman na namatay sa aksidente noong isang linggo.

Matatandaang laging kasa-kasama ni Pacquiao ang Jack Russell terrier bilang running partner tuwing naghahanda sila sa isang malaking laban.

"Thanks for being the best sidekick anyone could ask for! We will miss you Pacman!" ani Pacquiao sa isang madamdaming online tribute para sa aso. 

Aksidenteng nasagasaan ang 14-anyos na aso sa General Santos City. Naitakbo pa ito sa isang veterinary clinic pero hindi na rin nabuhay.

(For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website).

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.