Boxing: Mayweather, Pacquiao top 2 sa ‘greatest’ fighters list ng records website

ABS-CBN News

Posted at Jun 03 2020 08:43 PM

Top 2 ang magkaribal na sina Floyd Mayweather Jr. at Manny Pacquiao sa listahang 10 greatest boxers ever ng isang boxing website.

Ayon sa BoxRec.com na tinaguriang "official record keeper" ng sport, nangunguna sa listahan ang retiradong si Mayweather na walang talo sa 50 laban.

Pumangalawa ang "Pambansang Kamao" na siyang nag-iisang active boxer sa listahan at may hawak na 62-7-2 win-loss-draw record.

Kumukompleto sa top 10 sina Carlos Monzon (3rd), Muhammad Ali (4th), Sugar Ray Robinson (5th), Bernard Hopkins (6th), Joe Louis (7th), Archie Moore (8th), Oscar dela Hoya (9th) at Julio Cesar Chavez (10th).

Ngunit nakakapagtaka at hindi kasama sa listahan sina Mike Tyson, Roberto Duran, Evander Holyfield, Rocky Marciano at iba pang tanyag na boksingero.

Ayon kay boxing analyst Ed Tolentino, maaaring ibinase lang ng BoxRec ang ranking sa statistics at hindi isinama ang ilang "intangibles." 

"The intangibles were apparently not given due consideration . . . BoxRec went for the stats, and that's why its rankings came out a bit flat," ayon kay Tolentino.

"The intangibles were hardly considered. We are talking here of the quality of opposition, the longevity, the quality of the fights the boxer was involved in, etc."

Dagdag pa ni Tolentino, maaaring mabago pa o kaya naman tumaas pa ang ranggo ni Pacquiao dahil hindi pa siya tapos sa kaniyang karera.

"I think it is wrong to include in an all-time ranking boxers whose careers are not yet finished. Pacquiao is still an active fighter. Never judge a book unless you have finished reading it," aniya.

(For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website).

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.