MULTIMEDIA

Mga PWD, naglalakbay mula Pangasinan hanggang Cainta gamit ang wheelchair

ABS-CBN News

Posted at Aug 06 2020 10:35 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Viral ang video at retrato ng ilang PWD o persons with disabilities na naglalakbay papuntang Cainta, Rizal mula sa Rosales, Pangasinan. Ayon sa netizen na nakakita sa kanila sa Tarlac, wala raw gustong magpasakay sa mga PWD kaya nagpasya na lang silang lumuwas gamit ang kanilang mga wheelchair.