Taxi driver sa Davao, nagsoli ng cellphone ng Koreanong singer

Melanie Severino, ABS-CBN News

Posted at Dec 25 2019 09:25 PM

DAVAO CITY - Idinaan sa kanta ng Koreanong si Juhwan Kim ang kaniyang pasasalamat sa isang taxi driver na nagsoli ng kaniyang cellphone.

Laking pasasalamat ni Kim kay Arnel Akmad, ang drayber na natukso at isinoli ang naiwan na cellphone sa kaniyang taxi.

Ipinadaan ni Akmad sa DXAB 1296, ang AM radio station ng ABS-CBN, ang cellphone ni Kim na isang singer.

"I'm so low morale because when I arrived in Davao, I lost my passport and then yesterday I lost my cellphone," ani Kim.

Nasa Mindanao si Kim para sa isang charity concert sa Aleosan, Cotabato kasabay ng ilang local artists para sa mga survivor ng lindol.

Dagdag pa ni Kim, hindi niya akalaing maibabalik pa sa kaniya ang kaniyang cellphone.

Nanawagan rin siya sa nakapulot ng kaniyang passport na nawala sa Davao International Airport noong Nobyembre 15, 2019.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.