Warehouse nasunog sa Antipolo

ABS-CBN News

Posted at Dec 25 2018 09:13 AM | Updated as of Jul 15 2019 12:56 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA - Isang warehouse sa Antipolo ang nasunog, Martes, ilang oras matapos sumapit ang Pasko.

Sumiklab ang sunog sa isang warehouse na pag-aari ng Marikina Rubber Company bandang 1:27 ng madaling araw, sabi ni Chief Inspector Orlando Antonio ng Bureau of Fire Protection - Antipolo.

Tumagal ang sunog ng isa't kalahating oras dahil puno ang warehouse ng mga rubber sheets na ginagamit sa pag gawa ng mga suwelas ng sapatos, ani Antonio.

Nahirapan din ang mga bombero na makapasok sa gusali dahil sa makikitid na daan patungo sa warehouse. "Isang lane lang ng truck ang kaya pumasok. Isa pa, nagkaproblema sa available na hydrant," aniya.

Naapula ang apoy bandang 2:45 a.m., at idineklara ang fire out ng 3:25 a.m., sabi ng mga awtoridad.

Walang naitalang nasaktan dahil sa insidente.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog at halaga ng ari-arian na nasira dahil sa apoy.

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.