Mag-ama, patay sa banggaan sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Dec 23 2019 01:05 AM | Updated as of Dec 23 2019 07:00 AM

BAROTAC VIEJO, Iloilo – Patay ang mag-amang sina Sammy Baterbonia, 52 anyos at ang 10-taong gulang na anak na si Princess, matapos pumailalim ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang bus, Linggo ng hapon.

"Hindi naka-alis ng motor si Princess kaya naipit ito. Yung tatay na si Sammy Baterbonia ay tumilapon ng humigit kumulat 12 metro mula sa Ceres Bus, ani Police Staff Sgt. Rio Dawn Mitchelle Candelario ng Barotac Viejo Municipal Police Station

Pinsala sa ulo, gasgas at sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang natamo ni Sammy na idineklarang dead on arrival sa ospital. 

Si Princess naman ay naging kritikal sa mga sugat nito sa ulo, paa at iba’t ibang bahagi ng katawan subalit ‘di kalaunan ay binawian ng buhay.

Sumuko naman ang driver ng bus na si Jonard Arellado, 52 anyos.

–Ulat ni Hernani Escullar Jr, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.