Drayber ng motorsiklo, patay sa banggaan sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Dec 21 2019 06:09 AM

ZARRAGA, ILOILO—Patay ang 32 anyos na si Ricardo Pastolero, Jr. matapos bumangga ang motorsiklo nito sa kasalubong na pickup truck Biyernes ng gabi sa Zarraga, Iloilo.

Matapos mag-overtake sa isang sasakyan, bumangga ang sasakyan ng biktima sa pick-up truck na minamaneho ni Patrick Palmares, 21 anyos.

Dahil sa insidente, wasak ang motorsiklo habang sira naman ang kaliwang harapan ng pickup truck.

Idineklarang dead on arrival sa Iloilo Provincial Hospital si Pastolero dahil sa mga natamong malubhang sugat sa katawan. 

Nasa kustodiya na ng Zarraga Municipal Police Station si Palmares na maaaring maharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga pulis sa naging dahilan ng insidente.—Ulat ni Hernani Escullar Jr., ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.