Lalaki patay matapos mabangga ng sasakyan sa Bacolod

ABS-CBN News

Posted at Dec 18 2019 06:37 AM | Updated as of Dec 18 2019 11:41 AM

Martian Muyco, ABS CBN News

BACOLOD—Patay ang 62 anyos na biktima matapos mabangga ng isang sasakyan alas-2:30 ng madaling araw sa Araneta St. sa Bacolod City. 

Ayon sa mga saksi, kausap umano ng biktima ang driver sa tabi ng sasakyan sana nitong tricycle nang bigla na lang siya banggain umano ng humaharurot na sasakyan.

Dumiretso at bumangga naman sa pader ng isang gasoline station nang tangkaing umalis umano ng driver ng sasakyan. Kasalukuyan siyang ginagamot ngayon sa ospital. 

Pasado alas-4 naman, sugatan ang driver ng isang Asian utility vehicle matapos banggain umano ang 3 bahay sa tabi ng highway sa Araneta Street.—Ulat ni Martian Muyco, ABS CBN News​