Watchman sa ospital, patay sa pamamaril

Nico Delfin, ABS-CBN News

Posted at Dec 14 2019 09:51 AM

Patay ang 46-anyos na watchman ng ospital matapos pagbabarilin ng salarin sa Bais City, Negros Oriental, Biyernes ng umaga.

Nagtamo ng tama ng bala ng kalibre .45 na baril si George Amorganda matapos pagbabarilin ng gunman.

Sa imbestigasyon ng pulisya, gumagamit ng kaniyang cellphone si Amorganda habang nakaupo sa bench sa hospital compound nang lapitan ng dalawang hindi pa nakilalang mga lalaking magka-angkas sa motorsiklo.

Naka-bonnet at face mask ang mga salarin na agad tumakas matapos ang pamamaril.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.