Punong barangay, live-in partner patay sa pananambang sa Davao City

Che-Che Diabordo, ABS-CBN News

Posted at Dec 14 2019 03:47 PM | Updated as of Dec 14 2019 04:07 PM

Dead on the spot si Barangay Chairman Fernando Banayao habang sa ospital naman ideneklarang patay ang live-in partner nitong si Genevive Valenzuela. Larawan mula sa Davao City Police Office


DAVAO CITY – Tinambangan ng mga hindi pa kilalang salarin ang isang kapitan ng barangay at live-in partner nito sa Marilog District dito sa siyudad, Sabado ng umaga.

Ayon sa pulisya, magkaangkas sa motorsiklo ang mag-live-in partner na sina Fernando Banayao at Genevive Valenzuela nang tambangan sa Purok Mundo Hill, Sitio Quarry sa Barangay Gumitan. 

Dead on the spot si Banayao habang sa ospital naman ideneklarang dead on arrival si Valenzuela.

Aktibo umano ang kapitan ng barangay sa kampanya ng gobyerno sa pagsugpo sa rebeldeng grupong New People’s Army.

Narekober sa lugar ang pitong basyo ng kalibre .45 na baril at dalawang .9mm.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang awtoridad hinggil sa krimen.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.