5 patay, 33 sugatan sa banggaan sa Quezon

ABS-CBN News

Posted at Dec 14 2019 06:34 PM

MAYNILA - Lima ang nasawi habang 33 ang sugatan sa banggaan ng isang pampasaherong bus at closed van sa bayan ng Pagbilao sa Quezon nitong Sabado.

Ayon kay Police Maj. Eric Villarete, hepe ng Pagbilao Police, nangyari ang aksidente sa New Diversion Road sa bahagi ng Sitio Upper Sapinit sa Barangay Silangang Malicboy.

Galing Bicol umano ang bus nang nakasalubong nito ang closed van. Sumakop umano ang van sa lane ng bus kaya nangyari ang banggaan.

Parehong sugatan ang mga driver ng dalawang sasakyan.

- Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.