2 bangkay natagpuan sa loob ng inabandonang van sa Cavite

ABS-CBN News

Posted at Dec 14 2019 06:24 AM | Updated as of Dec 14 2019 07:11 PM

Cavite Police Provincial Office

MAYNILA—Natagpuan nitong Biyernes ang 2 bangkay ng lalaki sa loob ng isang inabandonang van sa Noveleta, Cavite.

Naaagnas na ang mga biktima na nakatali ng packaging tape, ayon sa pulisya.

Narekober sa sasakyan ang 2 driver's license na tugma sa pagkakakilanlan ng mga lalaki.

Ayon kay Police Col. Marlon Santos, director ng Cavite Police Provincial Office, tubong Oriental Mindoro ang mga biktima.

Watch more in iWant or TFC.tv

"Ito palang van ay inarkila mula Oriental Mindoro at ang naging driver ay 'yong dalawa... Kausap na namin at na-notify na ang immediate family and they are advised to proceed here," aniya.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.—May ulat ni Kevin Manalo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.