Lalaki, tiklo matapos umanong magnakaw ng pera mula sa simbahan sa Aklan

Joyce Ann Clavecillas, ABS-CBN News

Posted at Dec 13 2019 09:19 PM

Timbog ang isang lalaki matapos magnakaw umano ng pera mula sa Kalibo Cathedral sa Aklan nitong Martes. Rhenz Navida/Energy FM

KALIBO, Aklan -- Inaresto ng pulisya ang isang lalaki nitong Miyerkoles matapos siya umanong magnakaw ng pera mula sa isang simbahan sa bayan ng Kalibo sa Aklan.

Ayon sa pulisya, noong Martes pumasok sa Kalibo Cathedral si Luther Ortega, 30, at sinira ang isang donation box para makapagnakaw ng pera.

Bumalik si Ortega Miyerkoles ng gabi at umakyat pa umano ang suspek sa itaas ng cathedral.

Doon nahuli ang suspek at mahigit P4,000 na pera ang narekober mula sa kanya.

Nakakulong na si Ortega at kinasuhan na ito ng robbery.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.