Transmitter ng local FM station sa Davao de Oro sinunog

Bonna Pamplona, ABS-CBN News

Posted at Dec 12 2019 05:42 PM

Tinatayang aabot sa P1.5 milyon ang halaga ng pinsalang idinulot ng panununog sa transmitter ng 99.9 RP FM Station sa Davao de Oro. Larawan mula sa Mawab police

MAWAB, Davao de Oro – Sinilaban ng dalawang hindi pa kilalang mga lalaki ang transmitter ng 99.9 RP FM Station sa Purok 12, Barangay Tuboran, dito sa bayan Miyerkoles ng gabi.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Mawab Police, sinadya ang pagsunog sa communication equipment gamit ang isang basahan na itinapon sa transmitter.

Naniniwala ang may-ari na si Pat Lucero na konektado ang pagsunog ng transmitter sa tangkang pagpatay sa kaniya nito lang Oktubre. At dahil bigo ang mga responsable, napagbuntunan nito ang kaniyang transmitter.

Magsasagawa ng follow-up investigation ang pulisya sa pagkakilanlan ng dalawang lalaki na agad tumakas sakay ng motorsiklo.

Tinatayang aabot sa P1.5 milyon ang halaga ng pinsala sa nasunog na communication equipment.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.