Trans woman natagpuang patay sa inuupahang bahay sa Caloocan

ABS-CBN News

Posted at Dec 12 2019 05:01 AM | Updated as of Dec 12 2019 08:59 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA—Natagpuang patay ang isang transgender woman sa inuupahang bahay sa Bagong Silang, Caloocan City.

Hindi pa matukoy kung ano ang ikinamatay ng 27 anyos na si Kyle Estrela.

Nasa state of decomposition na ang biktima nang matagpuan nitong Sabado. May mga bakas ng dugo sa kaniyang tagiliran.

Ayon sa ilang kaanak, may ilang taong nakakapasok sa apartment ni Estrela.

May mga nakakagalit din umanong kaibigan ang biktima at kamakailan ay ninakawan ng computer.

Noong isang buwan, may mga idinaing sakit si Estrela at kapansin-pansin din umano ang pagpayat. 

Kaya hindi isinasantabi ng pamilya na posibleng dahilan din ito ng kaniyang pagkamatay.—Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.