2 gold medalist sa boxing, binigyan ng heroes welcome sa Bago City

Mitch Lipa, ABS-CBN News

Posted at Dec 12 2019 04:40 PM | Updated as of Dec 12 2019 10:13 PM

Sinalubong ng kanilang mga kababayan ang dalawang boksingerong nagkamit ng ginto sa 30th Southeast Asian Games. Mitch Lipa, ABS-CBN News

Binigyan ng heroes welcome ang dalawang Negrense boxers na sina Rogen Ladon at James Palicte sa Bago City matapos na makapag-uwi ng ginto mula sa Southeast Asian Games 2019.

Daan-daang mga estudyante ng elementary schools sa Barangay Sampinit at Barangay Lag-asan ang nakalinya na sa gilid ng highway upang magbigay-pugay sa dalawang boksingero, Huwebes ng umaga.

Isang heroes welcome program ang ibinigay ng lungsod sa Bantayan Park. 

Nakuha ni Ladon ang ginto sa men's flyweight habang light welterweight class naman ang ipinanalo ni Palicte.

Ayon kay Mayor Nicholas Yulo, nagtalaga ng cash incentive na P50,000 para sa bawat boksingero ang lungsod.

Dagdag ni Yulo, ang sinimulan ng dalawang boksingero ay magsisilbing malaking inspirasyon sa marami pang baguhan na gustong sumabak sa larangan ng boxing.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
2019 SEA Games