TINGNAN: Duterte, dumalo sa kasal ng anak ni Senador Bato sa Baguio

Micaella Ilao, ABS-CBN News

Posted at Dec 08 2019 04:35 PM

Nagsilbing ninong at ninang sina Pangulong Rodrigo Duterte at anak nitong si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa kasal ng anak ni Senador Ronald dela Rosa sa Baguio City. Contributed photo

Dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa kasal ng babaeng anak ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa Philippine Military Academy (PMA) sa Baguio City, Linggo ng umaga.

Ginanap ang pag-iisang dibdib nina Makkaria Bee dela Rosa at 1Lt. James Benneth Estoesta sa St. Ignatius Church sa Fort del Pilar.

Nagsilbing ninong si Duterte at ninang naman ang anak nitong si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Ayon sa ilang mga bisitang dumalo, umalis rin agad ang pangulo pagkatapos ng seremonya at hindi na sumunod pa sa reception na ginanap din sa loob ng PMA. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.