9 bahay sa Bacolod City, nasunog

Marty Go, ABS-CBN News

Posted at Dec 08 2019 05:53 PM

BACOLOD CITY -- Siyam na bahay ang tinupok ng apoy sa Purok Gabi, Barangay 4 sa Bacolod City Linggo ng umaga.

Ayon sa mga residente, mabilis na kumalat ang apoy kaya't siyam na bahay ang totally destroyed at may isang partially damaged.

May mga sumama rin ang pakiramdam dahil sa takot.

Mabilis man na rumisponde ang mga bumbero pero mas mabilis ang pagkalat ng apoy dahil gawa sa light materials ang mga magkadikit-dikit na mga bahay at malakas ang ihip ng hangin.

Wala namang nasugatan sa insidente.

Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection kung ano ang sanhi ng sunog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.