Lumang barko nasunog sa baradero sa Cebu

Leleth Rumaguera, ABS-CBN News

Posted at Dec 07 2019 05:44 PM

Nasunog ang isang lumang barko na naka-daong sa isang baradero sa bayan ng Consolacion sa Cebu nitong Sabado.

Ayon sa Consolacion Fire Station, natanggap nila ang alarma tungkol sa sunog pasado alas 10 ng umaga.

Watch more in iWant or TFC.tv

Apat na oras bago naapula ng mga bombero ang apoy mag-aalas 2 na ng hapon. Dahil sa panganib ng insulation foam sa loob ng barko na madaling masunog, natagalan ang mga bombero sa pagpatay ng apoy.

Hindi na umano ginagamit ang barko. Kinukuha nalang ng mga personnel ang mapakikinabangan pang parte nito bago ito i-abandona nang tuluyan. 

Ayon kay FO2 Charmaine Domaolao, posibleng napag-iwanang sigarilyo ang sanhi ng sunog. 

Wala namang nasaktan sa pangyayari.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.